Pasahero arestado dahil sa bomb joke sa MRT Cubao

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2019 02:26 PM

Arestado ang isang lalaking pasahero matapos magbiro umano ito na may dala siyang bomba sa Cubao station ng MRT 9:30 ng umaga Sabado. 

Kinumpirma ito ni MRT Director for Operations Mike Capati. 

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ini-inspeksiyon ng mga guard ang bag ng suspek nang magbirong may dala itong bomba. 

Agad na inaresto ang lalaki na umano'y ayaw pang sumama sa mga pulis.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727, na may katumbas na multa at pagkakakulong ng hanggang limang taon.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.