P200,000 halaga ng shabu nakumpiska sa Naga; 2 arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2019 04:37 PM

PHOTO COURTESY: NAGA PNP

NAGA CITY - Arestado ang isang 21 anyos na lalaki sa isang buy-bust operation dito sa lungsod Sabado.

Nahuli ang suspek na si Jude Lizano sa Barangay Calauag matapos niya umano bentahan ng ilegal na droga ang isang undercover na pulis.

Nakuha umano mula kay Lizano ang P200,000 halaga ng shabu.

Inaresto rin ng mga awtoridad ang 21 anyos na asawa ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.