Lalaki patay matapos umano manlaban sa buy-bust sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2019 09:56 AM

MAYNILA – Patay ang isang 28 anyos na lalaki matapos umano manlaban sa mga operatiba sa isang buy-bust operation sa Barangay Camangyanan sa Sta. Maria, Bulacan, Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Johnrey Bergonio, isang waiter at residente ng Meycauyan City.

Ayon sa pulisya, nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P500 ang isang poseur buyer mula sa suspek.

Pero umalma, nanakbo at nagpaputok umano ito ng baril nang tangkang arestuhin ng awtoridad. 

Nakaganti naman ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.