Buntis, 3 iba pa timbog sa droga sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2019 04:45 PM

Arestado ang isang 8-buwang buntis sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte nitong Biyernes.

Nahulihan ito ng apat na sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 marked money.

“Sinusuplayan niya dito sa area natin sa Laoag at Ilocos Norte mga night clubs at prostitutes," ani Supt. Mar Louie Bundoc, hepe ng Laoag City Police.

Dati umanong guro ang suspek at matagal nang minamanmanan ng pulisya. Itinanggi ng suspek ang mga nakuhang droga sa kaniya.

Dahil naman sa nakuhang cellphone sa buntis, natukoy ang mga binebentahan umano nito.

Nahuli sa follow-up operation ang tatlong magkakatrabaho sa isang lodging house sa Laoag City.

Nakuha sa kanila ang apat ding sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 marked money. Itinanggi ng mga suspek ang nakuha sa kanila.

“Awan naala da kadakami, sisasango kami inparabaw da tay shabu ken 1,000 pesos," ayon sa isang suspek.

(Wala silang nakuha sa amin, harapan na nilagay nila shabu at P1,000.)

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.