ALAMIN: Parusa sa mga pulis na mahuhuling umiinom sa bar, nightclub

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2019 07:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kamakailan ay ipinaalala ni Director General Oscar Albayalde, hepe ng Philippine National Police (PNP), na ipinagbabawal sa mga pulis ang pag-inom sa mga bar at nightclubs. 

Pero ano nga ba ang basehan ng babalang ito? 

Ayon kay Atty. Claire Castro, lalabag sa mga administratibong patakaran ang mga pulis na iinom sa mga pampublikong lugar tulad ng club o bar. 

Alinsunod daw ito sa Ethical Doctrine at Republic Act (RA) 6713 o "Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees."

"Meron na talaga silang manual, very specific. When it comes to morality they should be an example. Hindi ka dapat nagsusugal, hindi ka dapat nasa bar. 'Pag naka-uniform ka at makikita ka negative [ang image]," ani Castro sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM. 

"Very ironic na 'yung enforcer... sila mismo ang hindi nagpapatupad ng batas," dagdag ng abogado. 

Narito ang nakasaklaw sa Section 3.1 ng PNP Ethical Doctrine: 

 "PNP members shall adhere to high standards of morality and decency and shall set good examples for others to follow. In no instance during their terms of office, among other things, shall they be involved as owners, operators, managers or investors in any house of ill-repute or illegal gambling den or other places devoted to vices."

Giit ni Castro na hindi na dapat ito inuutos dahil mandato naman daw ng mga pulis na maging disiplinado. 

Dati nang binanggit ni Albayalde na maaaring magresulta sa dismissal ng opisyal ang paglabag dito. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.