5 timbog sa drug session sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2019 04:21 AM

MAYNILA - Kalaboso ang 5 katao sa umano'y drug session sa Barangay Unang Sigaw, Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Donato Villanueva, kagawad ng Barangay Unang Sigaw, nagsumbong sa kanila ang isang concerned citizen sa umano'y drug session na nagaganap sa isang barong-barong.

Agad na nakipag-ugnayan ang barangay sa Quezon City Police District (QCPD) Station 3. 

Nang salakayin ng mga pulis ang barong-barong, naabutan sa loob ang mga suspek.

Pinabulaanan naman ng mga suspek na gumagamit sila ng droga. Naglalaro lang umano ng chess ang iba habang napadaan lang sa lugar ang 2.

Napag-alaman na ikaapat na beses nang nahuli ang isang suspek dahil sa droga habang kasama naman sa drugs watch list ng baranggay ang iba. - ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.