P100,000 halaga ng droga nakumpiska sa buybust sa QC

Isay Reyes, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 08:19 AM

Arestado ang 2 lalaki matapos mahulihan ng iligal na drogang nagkakahalaga ng P100,000 sa isang buy-bust operation sa E. Rodriguez, Quezon City, Huwebes.

Dinampot ng mga pulis ang mga suspek na sina Merhan Jahiron at Jovan Cariño matapos makuha mula sa kanila ang 4 na plastic ng marijuana, mahigit 20 piraso ng ecstasy, at 2 plastic ng cocaine.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nasabat ng mga awtoridad ang marijuana, ecstasy, at cocaine mula sa mga nagtutulak ng droga sa lugar.

Noong bisperas ng Bagong Taon, kumpiskado ang aabot sa P1 milyon halaga ng mga nasabing droga sa parehas na lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.