PatrolPH

PH eagle na ginamot sa pamamagitan ng telemedicine, pinakawalan na

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2022 08:30 PM

Ang agilang si Godod. Larawan mula sa Philippine Eagle Foundation
Ang agilang si Godod. Larawan mula sa Philippine Eagle Foundation

Isang Philippine eagle na ginamot sa pamamagitan ng telemedicine ang pinakawalan na sa kagubatan ng Zamboanga del Norte nitong Lunes matapos ang matagumpay na medical treatment nito. 

Ayon sa Philippine Eagle Foundation, aksidenteng nahuli ang agilang si Godod sa isang noose trap o patibong noong Disyembre 2021 kaya't nagtamo ito ng mga sugat.

Ang babaeng agila ay ipinangalan sa bayan sa Zamboanga del Norte kung saan ito natagpuan at inalagaan ng ilang linggo.

Nabigyan ng agarang medikal na atensyon si Godod sa pamamagitan ng telemedicine, dahil nasa 10 oras ang layo ng Godod mula sa Philippine Eagle Center sa Davao City.

Siniguro umano ng Philippine Eagle Foundation na nasa mabuting kalagayan ang agila bago pakawalan ito.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.