PatrolPH

Taguig drug bust: P61 milyong halaga ng 'shabu' nasamsam, 3 suspek huli

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2022 11:31 AM

Ebidensiyang nakuha sa 3 suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Taguig City noong Enero 10, 2022. ABS-CBN News
Ebidensiyang nakuha sa 3 suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Taguig City noong Enero 10, 2022. ABS-CBN News

Aabot sa higit P61 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa 3 suspek sa buy-bust operation sa Taguig City 2 gabi ng Lunes, sabi ng pulisya.

Ayon sa Taguig police, nangyari sa Barangay Santa Ana ang operasyon, kung saan nahuli ang mga binatilyong tauhan anila ng mga drug personality sa loob ng mga jail facility sa Metro Manila.

Maliban sa 9 na kilo ng hinihinalang shabu, nakuha rin umano sa mga suspek ang mga cellphone at boodle money.

Nasa kustodiya ngayon ng mga pulis ang 3 suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.