PatrolPH

Lalaki sugatan sa pagsabog sa tindahan sa Occidental Mindoro

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2022 12:14 PM

Niyanig ng malakas na pagsabog ang tapat ng isang tindahan sa San Jose, Occidental Mindoro, Enero 10, 2022. Retrato mula sa Occidental Mindoro police
Niyanig ng malakas na pagsabog ang tapat ng isang tindahan sa San Jose, Occidental Mindoro, Enero 10, 2022. Retrato mula sa Occidental Mindoro police

Sugatan ang isang lalaki matapos magkaroon ng pagsabog sa San Jose, Occidental Mindoro, gabi ng Lunes, ayon sa pulisya.

Ayon sa ulat ng Mimaropa police, nangyari ang pagsabog sa harap ng isang tindahan sa Barangay Poblacion 3.

Nasugatan sa insidente ang 29 anyos na si Raymond Barcelona, na noo'y nasa harap ng tindahan.

Isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng sugat sa dibdib.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, 2 lalaki ang naghagis ng pampasabog.

Sakay umano ng itim na motorsiklo ang 2 lalaki, na nakasuot ng itim na damit at maong na pantalon.

Wala pang matukoy na motibo sa pagpapasabog.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.