PatrolPH

11 timbog sa pagsasabong sa Maynila, Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2021 01:15 PM

11 timbog sa pagsasabong sa Maynila, Muntinlupa 1
Panabong na manok na nakumpiska ng mga awtoridad sa operasyon sa Muntinlupa. Retrato mula sa Southern Police District

Arestado ang 11 lalaki dahil sa pagsasabong sa Maynila at Muntinlupa, sabi ngayong Lunes ng mga awtoridad.

Sa Barangay Buli, Muntinlupa, hinuli ng pulisya ang 7 lalaking naaktuhang nagtutupada sa lugar.

Nakumpiska sa kanila ang 2 panabong na manok at pantaya na higit P1,000.

Sa Maynila naman, timbog ang 4 na lalaking nakita sa CCTV na nagsasabong.

Sinabihan ang mga lalaki ng mga taga-barangay na umalis na pero itinuloy pa rin umano ng mga ito ang tupada kaya nagpatawag na ng mga pulis.

Nakumpiska sa mga lalaki ang 2 panabong na manok at P1,000 pantaya.

Ipinaalala naman ng mga awtoridad na ipinagbabawal pa rin ang pagsasabong sa ilalim ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.