1 detainee na pumuga sa QC police station naaresto, 3 pinaghahanap pa rin

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2021 07:33 PM | Updated as of Jan 11 2021 08:53 PM

MAYNILA – Natimbog na ng pulisya ang isa sa 4 na detainee ng Galas Police Station na pumuga Huwebes noong nakaraang linggo, sabi ngayong Lunes ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ang suspek na si Ronald Buenafe, 34, na naaresto muli noong Sabado sa Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Isinumbong umano ito ng kaniyang kaanak.

"Nagpapasalamat din tayo sa kamag-anak ng suspek na kusang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis dahilan para mahuli ito," ani Police Maj. Elmer Monsalve ng QCPD Criminal Investigation Section.

Kabilang si Buenafe sa 4 bilanggo na nasapul sa CCTV na nakatakas sa kanilang selda habang nasa banyo umano ang pulis na bantay sa istasyon.

Ang 3 pang hindi nahahanap ay sina Glenn Louie Limin, Marvin Incio, at Joel Sanchez.

Umapela ang pulisya sa publiko na ibagbigay alam sa kanila kung may impormasyon sa kinaroroonan ng 3 iba pang tumakas na detainee.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.