Chinese patay sa sunog sa Malate

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2020 07:28 PM | Updated as of Jan 12 2020 09:49 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang isang lalaking Chinese national matapos tumalon sa isang nasusunog na gusali sa Malate, Maynila nitong hapon ng Sabado.

Dead on arrival sa ospital si Ser Siong Wang, 64, mtapos tumalon mula sa nasusunog na condo unit sa ika-8 palapag. Bumagsak sa ika-4 na palapag ang biktima at nagtamo ng traumatic brain injury at abdominal injury.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na walang sprinkler system ang gusali, ayon kay Fire Insp. Lowie Puno.

Tinatayang nasa P300,000 ang danyos ng sunog na umabot sa ikaapat na alarma bago naapula.

-- Ulat nina Jeffrey Hernaez at Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.