Planta sa San Mateo, Rizal, sumiklab

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2020 07:52 PM | Updated as of Jan 11 2020 09:33 PM

MAYNILA -- (UPDATE) Isang pagawaan sa bayan ng San Mateo sa Rizal ang sumiklab nitong Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), alas 6 ng gabi nagsimula ang apoy sa tinutulugan ng mga manggagawa ng naturang planta.

Watch more in iWantTFC

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Pag-aari umano ng isang Johnny Buenviaje ang pagawaan.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pagsiklab.

Naapula ng mga bombero ang sunog ilang oras matapos magsimula ang sunog. -- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.