P5-M halaga ng 'droga' nasamsam sa Talisay City; 46 arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2020 03:17 PM

TALISAY CITY, Cebu — Nasa higit P5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya dito sa ikinasa nilang one-time-big-time drug operations.

Arestado ang 46 tao sa mga barangay ng Tangke at Tabunok, kung saan 15 dito ang itinuturing na "high-value" targets.

Kabilang sa mga naaresto ang isang 61-anyos na lola na umano'y nagpapalakad ng negosyo sa droga. Hinuli rin ang apat pa niyang mga anak.

Pinabulaanan naman ng lola na lider siya ng grupo at nagpakilalang nagtitinda lang ng isda.

Ayon sa pulisya, inabot nang 1 buwan ang pagmamanman nila sa mga suspek. 
 
Inaasahan nila ang pagbaba ng suplay ng droga sa lungsod sa pag-aresto sa ginang at mga kasabwat nito.


—Ulat ni Joworski Alipon, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.