Lemon-picking maaari nang subukan sa Tublay, Benguet

Maira Wallis, ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2020 02:50 PM

Bukas na ang lemon-picking farm sa bayan ng Tublay sa Benguet para sa mga nais na maranasan ang makapitas ng prutas na ito. Larawan mula kay Noel Gapasin 

Kung ang La Trinidad, Benguet may strawberry-picking, lemon-picking naman ang hatid ng karatig-bayan na Tublay.

Opisyal na binuksan ang lemon-picking sa bayan ngayong buwan ng Enero.

Taong 2000 nang simulan ang pagtatanim ng lemon sa bayan hanggang sa maparami ito sa pamamagitan ng prosesong marcotting.

Nasa apat na ektarya ang taniman ng lemon sa Barangay Ambassador. Gamit sa mga ito ay organikong pataba.

Halos 15,000 kilo ng lemon ang puwedeng anihin sa taniman. Libre pa ang pagpasok, pero nasa halagang P50 hanggang P80 ang kada kilo ng aanihin na lemon. 

Hinihikayat ang mga interesado na magtungo lamang sa munisipyo ng Tublay.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.