Año, nagbabala laban sa 'bata bata system' sa PNP recruitment

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2020 07:59 PM

MAYNILA - Parusa ang katapat ng sinumang opisyal o miyembro ng Philippine National Police (PNP) na mapatutunayang sangkot sa tinatawag na "bata bata system" o pagpapagamit ng koneksyon para makapasok ang mga lalahok sa recruitment ng PNP.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año nitong Sabado, kahit sino ang kaanak o kakilala ng mga nais mag-pulis, kung hindi sila qualified, hindi sila pwedeng maging pulis.

Giit ni Año, sa hiring process nagsisimula ang cleansing program ng pulisya. Malaking ginhawa umano para sa PNP kung masasala ang mga aplikante.

Dapat maging transparent umano ang mga recruiter mula recruitment hanggang sa pagtanggap ng mga bagong pulis upang maiwasan ang mga iregularidad.

May 17,000 na vacancies ang PNP ngayong 2020. -- ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.