ALAMIN: Parusa sa magpapasimuno ng 'peke, mapanlinlang' na online auction

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2020 04:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Malaking halaga ng pera ang isinusugal ng mga nakikilahok sa online auctions, lalo na kung mamahaling gamit ang sinusubasta. 

Kaya nagbabala ang isang abogado dahil sa paglaganap ng online scammers na nagpapasubasta ng mga hindi naman lehitimo o hindi totoong kagamitan. 

Ayon sa abogadong si Claire Castro, reklamong kriminal na estafa ang maaaring ikaso sa mga taong magbibigay ng produktong iba sa idineklara nito sa online auction. 

"Very clear na [kunyare] 24 karat [ang nakalagay sa auction] tapos binigay mo sa akin 10 karat or 18 karat. It's definitely misrepresentation. Ang binibigyan mo ng description is iyong binebenta mo," ani Castro sa programang "Usapang de Campanilla."

Payo ni Castro na bagama't mas madali ang paglahok sa mga online auction, mas mabuti kung masisilip nang personal ang bibilhin bago isara ang transaksiyon. 

Maaari aniyang dumulog sa Department of Trade and Industry kung mabibiktima ng pekeng auction. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.