#WalangPasok: Klase sa pre-school at elementary sa Bislig City, suspendido

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2019 11:06 AM

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Bislig City sa Surigao del Sur ang klase sa pre-school at elementary level Biyernes dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa lugar.

Sa memorandum na pinirmahan ni Mayor Librado Navarro, ipinagutos nito ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magkansela ng klase sa mga nabanggit na lebel.

Bunsod umano ito ng walang tigil na pag-ulan dala ng low pressure area (LPA) na kasalukuyang nakaaapekto sa Mindanao, partikular na sa lungsod ng Bislig.

Pinayuhan naman na mag-ingat ang lahat ng high schools, colleges at mga residente ng lungsod.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.