Greenhouse ng marijuana natagpuan sa Subic, 2 arestado

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2019 10:55 AM

Timbog ang mag live-in partner na British national at Pilipina dahil sa pagtatanim ng high-grade marijuana sa loob ng kanilang bahay sa Subic, Zambales, Biyernes ng umaga.

Ito’y matapos na salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) sa Region 3 ang bahay ni Simon Stuart Mclaren Watson, 44-anyos, at Rizza Fernandez, 28, sa Magdalena Homes sa Subic.

Tumambad sa mga operatiba ang 70 paso ng high-grade marijuana.

Gumawa ng greenhouse ang mga suspek sa loob ng kuwarto na kontralado ang ilaw at temperature.

Inihahanda naman ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.