Bumigay na firewall ng Mambukal Hotel, ininspeksiyon

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2019 10:52 AM

Sinagot na umano ng contractor ang pagpapakumpuni sa nasirang bahagi ng kitchen area convention hall. Nico Delfin, ABS-CBN News

MURCIA, Negros Occidental – Personal na sinuri ni Governor Alfredo Marañon Jr. ang apat na palapag ng Mambukal Convention Hotel, kabilang ang nawasak na bahagi ng firewall, Huwebes.

Wala namang nasaktan sa insidenteng nangyari noong Martes.

Ayon kay Marañon, bumigay ang parapet o firewall at nahulog sa kitchen area matapos matamaan ng sanga ng puno.

Bumigay ang sementadong bahagi ng firewall sa bubong ng kitchen area at convention hall kaya ito nasira.

Sinagot na ng contractor ng proyekto ang pagpapa-ayos sa mga nasira habang pinaputol na rin ang mga sanga malapit sa gusali.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.