TINGNAN: Tricycle ginawang 'school service' ng 9 estudyante

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2018 10:39 AM | Updated as of Jan 11 2018 04:16 PM

Tricycle ginawang 'school service'

Tricycle ginawang 'school service'

Tricycle ginawang 'school service'

MANILA - Nakuhanan ng retrato ng Bayan Patroller ang isang tricycle na mistulang ginawang "school service" ng 9 na estudyante sa Visayas Avenue, Quezon City.

Makikita sa mga larawan na nakasakay ang 3 estudyante sa likuran ng driver, habang 4 ang nasa loob ng sidecar at 2 ang nakasabit sa likod nito.

Watch more in iWant or iWantTFC

Kuwento ng Bayan Patroller na nakiusap na huwag pangalanan, halos araw-araw dumadaan sa kanilang lugar ang tricycle, pero walang sumasaway na traffic enforcer dito.

Ilang beses na rin umano niyang inulat sa mga Facebook page ng mga awtoridad ang insidente, pero wala siyang nakuhang tugon. Ulat ng DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.