Higit 200 pamilya nasunugan sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2018 10:52 AM | Updated as of May 10 2019 03:21 PM

Kitang-kita ang makapal na usok mula sa nasusunog na commercial-residential area sa Pasig. Gigie Cruz, ABS-CBN News

MAYNILA - (UPDATE) Tinupok ng apoy ang mga bahay ng aabot sa 200 pamilya sa siyudad Pasig, Huwebes, pasado alas-9 ng umaga. 

Ayon sa Pasig City Official Information Center, mabilis iniakyat sa ikaapat na alarma ang sunog sa Blumentrit Street, Barangay Kapasigan.

Aabot sa 200 pamilya ang nasunugan sa Pasig. Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bukod sa mga bahay, nadamay rin sa sunog ang bahagi ng lumang palengke sa Barangay Kapasigan. 

Tatlo ang nahilo at may 1 nahirapan huminga dahil sa sunog. Mabilis naman itong narespondehan ng rescue team.

Naapula lamang ng mga bombero ang malaking sunog matapos ang may dalawang oras. Aabot sa P2 milyon ang halaga ng natupok ng apoy sa lugar. 

Watch more in iWantTFC

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog pero aminado ang mga residente na may mga jumper at sala-salabid na kawad ng kuryente sa komunidad 

-- Ulat nina Zhander Cayabyab at Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.