Drug suspect, nakapuga sa Imus police station

Noel Alamar, ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2018 12:14 PM | Updated as of Jan 11 2018 03:40 PM

Mugshots ng lalaking tumakas mula sa kanyang selda sa Imus City police. Noel Alamar, ABS-CBN News

MAYNILA - Nakatakas mula sa kanyang selda sa Imus City police station ang isang tulak umano ng ilegal na droga. 

Ayon sa pulisya, sinira ni Rogie Habayhabay ang kisame ng selda at doon dumaan para makatakas alas-4 Miyerkoles ng madaling araw.

Natunton siya sa harap ng Binakayan Hospital ilang oras matapos makapuga, sabi ni Supt. Ronan Claravall, hepe ng Imust police. 

Unang naaresto si Habayhabay dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act nitong Hunyo 2017. Walang piyansa ang kaso nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.