8 lalaki, timbog sa buy-bust sa CamSur

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2018 04:55 AM

Arestado ang 8 lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Sta. Cruz, Naga City sa probinsya ng Camarines Sur nitong Martes.

Kinilala silang si Pedro Ponte, Norman Mendones, Randy Palibino, Ronald Palibino, Roger Daliva, Celso Cepriaso, Alvin Ferrer, at Romeo Celeñada. 

Narekober ng otoridad ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P300,000.

Si Daliva ay empleyado umano ng Naga City Abbatoir habang si Celeñada ay isang barangay kagawad ng Bagumbayan Norte.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.