3 lalaki patay sa pananambang sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2018 11:06 AM

NEW CORELLA, Davao Del Norte - Patay sa pamamaril ang 3 lalaki matapos tambangan ng mga hindi nakilalang suspek ang kanilang sasakyan sa bayang ito, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Arturo Gozon Cordita Jr., 27; Rohel Hinay Gozon, 33; at Carlos Padilla Abad.

Kuwento ng saksi, nakarinig siya ng mga putok ng baril sa Barangay Poblacion dakong alas-11 ng gabi at nakitang tumatakas ang ilang gunman na sakay ng motorsiklo.

Sumalpok naman ang sasakyan ng mga biktima sa isang puno.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang motibo sa krimen. Ulat ni Vina Araneta-Pilapil, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.