Kahon na inakalang bomba, naglalaman ng tsinelas at laruan

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2017 09:55 PM

Nitong Miyerkules ay tinawag ang mga pulis sa Rizal Avenue sa Maynila upang suriin ang isang kahon na inakalang naglalaman ng bomba.

Sa pagsusuri ng mga pulis at ng kanilang explosive ordnance division (EOD) ay napag-alamang ang nilalaman ng selyadong kahon ay tsinelas at laruang pambata.

Ayon kay Senior Police Officer 1 Bobby De Leon, kwento ng isang tindero na bandang alas-kwatro ng hapon ay nilapitan siya ng isang lalaking nagbigay sa kanya ng selyadong kahon.

Tinanggihan ito ng tindero, ngunit iniwan pa rin ng lalaki ang kahon, kaya’t siya ay nanghingi ng tulong sa mga pulis.

Nalaman ng mga otoridad ang laman ng kahon matapos ito buksan ng EOD.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.