PatrolPH

Pulis patay sa pamamaril sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2022 09:11 PM

Patay ang isang pulis matapos siya pagbabarilin sa bayan ng Catubig, Northern Samar ngayong Lunes ng umaga.

Ayon sa Catubig Municipal Police Station, pauwi si Police SSgt. Joerel Pajac, 39, at sumakay sa isang bangka para makarating sa bahay. Nang bumaba siya sa Sitio Ugkad sa Brgy. Calinganan, apat na hindi pa kilalang suspek ang lumapit sa kaniya at binaril siya nang maraming beses. 

Nakatalon sa ilog ang biktima, pero nang matagpuan siya ay patay na siya. Agad naman tumakas ang mga salarin.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek habang iniimbestigahan pa ang krimen.

Naka-assign umano sa Northern Samar Provincial Intelligence Unit ang biktima bago siya nasawi.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.