Higit P680K halaga ng shabu nakumpiska sa Angeles City

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2020 02:27 PM

Nakumpiska mula sa suspek ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680,000 ang halaga. Larawan mula kay Gary Bernardo


BALIBAGO, Angeles City – Tinatayang nasa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa isang babae sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Balibago, Angeles City sa Pampanga, Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, itinuturing na high-value target ang 37-anyos na babaeng suspek.

Sinabi umano ng suspek na ang nakumpiskang 100 gramo ng shabu ay ipinadala lamang sa kaniya para i-deliver sa Angeles City ngunit natunugan ang transaksiyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.