Drugs via delivery app: 3 arestado sa pagtutulak ng 'party drugs' sa Parañaque

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2020 11:50 AM | Updated as of Jan 10 2020 08:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA- Arestado ang 2 lalaki at isang babae sa Parañaque Huwebes ng gabi dahil sa pagtutulak umano ng "party drugs."

Nakuha ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 7 bote ng liquid ecstasy, mga tableta ng valium, at mga pakete ng shabu sa buy-bust operation sa isang subdivision sa Parañaque.

Tumangging magbigay ng pahayag ang 3 suspek.

Ayon sa mga awtoridad, ipinapadala umano ng mga suspek ang droga gamit ang mga delivery apps.

Nagbabala naman ang PDEA sa publiko, lalo na sa mga mahilig lumabas, na mag-ingat sa pag-inom ng tubig lalo na kung hindi alam ang pinanggalingan nito.

Madalas umano kasing ipinapatak ang liquid ecstasy sa tubig dahil wala itong amoy at lasa kaya hindi napapansin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.