7 anyos, patay matapos mabangga ng pick-up sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2020 09:40 PM

Isang 7-anyos na batang babae ang patay matapos mabangga ng pickup truck sa Barangay Cabatangan sa Talisay City, Negros Occidental nitong Biyernes.

Sa imbestigasyon ng Talisay City Police, biglang sumulpot mula sa likod ng isang naka-park na ambulansya ang biktima bago ito mabundol ng pickup. 

Marahil umano hindi agad napansin ng drayber ng nakasalubong na pickup ang bata kaya hindi ito nakapagpreno agad.

Nagtamo ng sugat sa ulot at katawan ang biktima matapos mabangga ng pickup.

Ayon sa pulisya, humabol ang bata sa kanyang ina, na kakasakay lang ng ambulansya na patungo upang rumesponde sa isang residente. Paakyat umano sana sa kanilang taniman ang drayber ng pick-up, na anak ng dating bise-alkalde.

Kasalukuyang pinag-uusapan na ng bawat panig ang pagkakaroon ng areglo. - Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.