Magbiyenan timbog sa buy-bust sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2019 01:31 PM | Updated as of Jan 10 2019 10:20 PM

BACOLOD - Arestado sa buy-bust operation ang isang lalaki at isang babae matapos mahulihan umano ng tinatayang P360,000 halaga ng ilegal na droga sa Barangay Alijis, Miyerkoles ng gabi. 

Naka-sachet pa ang mga hinihinalang shabu na nakuha mula sa 24 anyos na lalaking suspek at sa kaniyang babaeng biyenan, na ayon sa pulisya ay kapwa nasa "drugs watchlist" nila.

Agad ikinulong ang magbiyenan sa police station 7. Kakasuhan sila ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sinubukan ng ABS-CBN kunin ang panig ng dalawa pero hindi na sila nagbigay ng pahayag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.