2 child trafficker, timbog sa Iligan

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2019 09:56 AM

PSI Rassel Tuliao

ILIGAN CITY - Anim na bata ang na-rescue ng mga awtoridad mula sa 2 kamag-anak na pinaghihinalaang child trafficker dito sa lungsod, Huwebes.

Inaresto ang 2 babae na umano'y kumukuha ng mga malalaswang litrato at video ng mga bata edad 1 hanggang 10-taong gulang para ibenta sa mga banyaga gamit ang isang website.

Nakuha mula sa mga suspek ang tablet na kanilang ginagamit sa ilegal na negosyo.

Ang 6 na bata ay pansamantalang pinakupkop sa City Social Welfare Office habang inihahanda ang kaso laban sa mga suspek.

- ulat mula kay Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.