Partas bus driver absuwelto sa madugong aksidente noong Pasko

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2018 12:50 PM

MANILA - Walang dapat panagutan ang drayber ng Partas bus na sumalpok sa isang jeep sa Agoo, La Union noong Pasko, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Miyerkoles.

Nasawi sa insidente ang 20 katao, kabilang ang isang sanggol, habang 25 ang nasugatan sa pangyayari. Una nang iginigiit ng 2 sangkot na driver na naaksidente sila dahil nag-overtake ang kabilang sasakyan.

Kumbinsido ang LTFRB na kasalanan ng jeepney driver ang aksidente dahil nahagip ng CCTV footage ang pagsampa nito sa lane ng bus, ayon Atty. Aileen Lizada, tagapagsalita ng ahensya.

Makikita rin aniya sa video na maayos at diretso ang takbo ng bus. Nasa kundisyon din aniya ang bus driver na nasa unang oras pa lang ng kaniyang duty.

Napag-alaman din ngayong umaga sa unang pagdinig ng ahensya tungkol sa insidente na hiniram lang ng jeepney driver ang sasakyan mula sa operator at hind sinabing ipapasada ito, ani Lizada.

Submitted for resolution na ang desisyon ng LTFRB, pero nagtakda pa ng sila hearing sa Enero 24 upang makapagpasa pa ng ilang dokumento ang Partas bus company.

Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.