MRT-3 nagpababa ng 620 pasahero ilang minuto matapos magbukas

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2018 07:42 AM | Updated as of Jan 10 2018 07:51 AM

MANILA - Kabubukas pa lang ng MRT-3 nang tamaan ng panibagong aberya ang isang tren ngayong Miyerkoles, dahilan para pababain nang wala sa oras ang 620 pasahero. 

Nakaranas ng "electrical failure" ang southbound na tren kaya pinababa ang lahat ng sakay nito, alas-5:37 ng umaga, ayon sa abiso ng Department of Transportation. 

Nagkakaroon anila ng electrical failure kapag luma na ang mga piyesa ng motor ng tren. 

Nakasakay naman ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren makalipas ang 3 minuto, sabi ng DOTr. 

Mula nitong Bagong Taon, 7 sa 10 araw nakapagtala ng "technical problem" sa MRT na may halos kalahating milyong pasahero araw-araw, ayon sa website ng ahensya. 

-Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.