Informal settlers, drainage system ng Boracay, nais tugunan ng gobyerno

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2018 02:53 PM | Updated as of Jan 10 2018 03:00 PM

Magsasanib puwersa ang Department of Tourism at Department of Environment and Natural Resources para tugunan ang ilang suliranin ng isla ng Boracay, kabilang ang informal settlers at sistema ng paagusan.

"We have some forest and timberland in Boracay and I'm afraid that there are buildings built there...This is [a] violation of our forestry law," ani Environment Secretary Roy Cimatu sa kanilang pagharap ni Tourism Secretary Wanda Teo sa ilang stakeholders ng isla nitong Martes.

"Likewise we have observed that there are several illegal settlers," sabi ni Cimatu. "Therefore we would like to say that we will be making some measures to decongest the area."

Binaggit naman ni Teo ang problema sa drainage system o paagusan.

"We have to do something to fix Boracay, 'yong drainage po natin ang problema talaga," ani Teo.

Naglaan ng P1.6 bilyon ang Department of Tourism (DOT) para ipaayos ang drainage system ng isla. Inaasahan itong matapos sa susunod na taon.

Naglabas naman ng salooban ang ilang stakeholders ng Boracay hinggil sa marami umanong napapakong pangako ng gobyerno.

"For you to know the gravity of the challenges, you need to go down the ground with us, experience our daily challenges ... not relying on reports and feedback lang," ani Nenette Graf, pangulo ng Boracay Foundation Incorporated.

Ilan pa sa tinututukan ng pamahalaang lokal na problema ay overcrowding o pagsikip sa isla dahil sa dami ng tao.

Nagsilbi rin umanong babala para sa lokal na pamahalaan ang flash-flood na naranasan ng isla sa gitna ng paghagupit ng bagyong Urduja noong Disyembre.

Isa ang Boracay sa paboritong puntahan ng mga turista sa bansa dahil sa tanyag nitong mga beach resort.

-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.