Deboto ng 'Traslacion', patay matapos atakihin sa puso

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2018 07:50 AM | Updated as of Jul 04 2019 05:10 PM

Patay ang isang deboto ng Traslacion nang biglang atakihin sa puso matapos makalapit sa Poong Itim na Nazareno.

Kinilala ang namatay na si Ramil Dela Cruz, residente ng Taguig City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, humingi ng tulong ang deboto sa isang medical station sa Quiapo dahil sa hyperacidity.

Umakyat umano ang sakit niya sa dibdib at nawalan bigla ng heart rate.

Sinubukan pang i-revive si Dela Cruz sakay ng ambulansya pero binawian ito ng buhay pagdating sa Jose Reyes Memorial Medical Center 1:20 ng madaling araw ng Miyerkoles.

Kuwento ng kanyang kaibigan, nagkaroon umano sila ng kaunting salo-salo at nagkainuman bago sumampa sa andas ng Nazareno.

Watch more in iWant or TFC.tv

20 taon na umanong deboto ng Nazareno si Dela Cruz. - ulat ni Jekki Pascual at Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.