Boarding house sa Iloilo, nilamon ng apoy

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2018 01:44 PM

Nilamon ng apoy ang isang boarding house sa Barangay Pal-Agon, Pavia, Iloilo, pasado alas-4 ng Martes.

Kumalat ang apoy sa dalawang palapag na gusali na may 17 kwarto.

Ayon kay Rolly Navarro, isa sa mga boarders ng gusali, nasa trabaho sila ng kaniyang mga kasamahan nang mangyari ang sunog.

Hindi nailigtas nila Navarro ang kanilang mga kagamitan, pero nagpapasalamat pa rin sila dahil walang nasaktan sa insidente.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Pavia, nagsimula ang apoy sa isang kuwarto at maaaring short circuit ang pinagmulan ng sunog. 

"May nakita kami sa area sa point of origin. Electrical possibly ang cause ng short circuit...[Puwedeng] sa mga rice cooker, electric stove o plantsa" ani Fire Insp. Jesus Valenzuela, acting municipal fire marshal.


--Ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.