Barangay chairman, 3 iba pa patay nang pagbabarilin sa Basilan

Leizel Lacastesantos

Posted at Jan 09 2021 09:23 PM

BASILAN—Patay ang 4 na lalaki matapos pagbabarilin sa Sitio Bakud, Barangay Banah, bayan ng Tipo-Tipo sa lalawigang ito Sabado ng hapon. 

Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, isa sa mga nasawi ang chairman ng Barangay Matata, bayan ng Ungkaya Pukan.

Kinilala ang pinaslang na si Bin Saudi Sarakil at ang 3 iba pa bilang sina Usop Abdul Majid, Kain Manisan at Ibrahim Abdulkarim.

Nasa sasakyan ang mga biktima nang tambangan sila ng mga hindi pa nakikilalang mga lalaki.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.