Van nahulog sa bangin sa Benguet; lalaki patay, 11 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2020 01:52 PM | Updated as of Jan 09 2020 01:53 PM

Hinala ng mga awtoridad ay nawalan ng preno ang van, na papunta sanang Agoo, La Union. Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

TUBA, Benguet — Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang 11 iba pa nang mahulog sa bangin ang isang van dito nitong umaga ng Huwebes.

Umabot ng halos isang oras ang operasyon para masagip ang mga pasahero ng isang van na nahulog sa banging may lalim na 60 metro sa Sitio Nabjeng, Barangay Tabaaan Norte, ayon sa opisyal ng lokal na Bureau of Fire Protection.

Hinala ng mga awtoridad ay nawalan ng preno ang van, na papunta sanang Agoo, La Union.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-- Ulat ni Mae Cornes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.