Trabahador sa Negros Occidental patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2020 05:00 PM

BINALBAGAN, Negros Occidental — Wala nang buhay at tadtad ng bala nang matagpuan ang isang trabahador sa bayan na ito noong Miyerkoles. 

Sa tubuhan nakita ng mga awtoridad ang bangkay ni Rosito Merito.

Ayon sa kaniyang mga kaanak, Martes ng gabi nang may isang di pa nakikilalang salarin na humabol sa kanila dala ang baril. 

Nakatakbo ang ilang miyembro ng pamilya pero naiwan umano si Merito. 

Kinabukasan ay nakita ang katawan ng biktima sa isang tubuhan sa Sitio Candida, Barangay Bi-ao.

Lumalabas sa postmortem examination na may mga tama ng bala ang biktima sa likod at braso. 

May persons of interest na ang pulisya.

Personal na galit umano ang tinitingnan nilang motibo sa krimen. 


—Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.