P400,000 ‘shabu’ nasabat sa Taguig; 7 arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2020 04:39 AM

TAGUIG - Mahigit P400,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa 7 suspek matapos ang magkakahiwalay na operasyon ng Taguig City Police drug enforcement unit Miyerkoles sa Taguig.

Sa buy-bust operation sa Barangay Lower Bicutan, nasamsam mula sa 4 na suspek ang 21 sachet ng hinihinalang shabu na may 32 gramong bigat at nagkakahalaga ng P217,600.

Arestado naman ang 59 anyos na lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Central Bícutan matapos makuhanan ng 6 sachet ng hinihinalang shabu na may 17 gramong bigat at nagkakahalaga ng P115,600.

Huli naman ang isang 27 anyos na babae at kasama nitong 41 anyos na fruit vendor matapos makuhanan ng 4 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P76,160. -Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.