Mga deboto ng Poong Nazareno sa CDO, dagsaan na

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2020 02:30 AM

CAGAYAN DE ORO - Dagsaan na ang mga deboto ng Poong Nazareno Miyerkoles ng gabi sa St. Augustine Cathedral, Cagayan de Oro para sa tradisyunal na pahalik sa imahe bago ang Traslacion bukas.

Kuha ni Cris Angelo Andrade

Inaasahang dadagsa ang higit 200,000 deboto sa Traslacion.

Hinigpitan na ang seguridad sa simbahan bilang paghahanda sa gaganapin na overnight vigil at pahalik ng mga deboto.

Tinatayang 2,000 pulis ang magbabantay sa seguridad sa Traslacion sa lungsod.

Papatayin din ng telecommunication companies ang signal mula alas-4 ng madaling araw para mas higpitan pa ang seguridad.

Ipinatutupad din ang liquor ban sa 300-meter radius ng ruta ng Traslacion hanggang 12 ng tanghali Huwebes.

Magsisimula ang misa ng alas-4 ng madaling araw na susundan ng traslacion pabalik sa Shrine of the Black Nazarene. -Ulat ni Cris Angelo Andrade, ABS-CBN New

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.