5 timbog sa droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2020 04:44 AM

QUEZON CITY - Arestado ang 5 lalaki matapos ang magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation Miyerkoles sa Quezon City.

Nakuha sa isang 28 anyos na suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000 sa sa Pook Ricarte, Barangay UP Campus.

Na-recover naman sa 4 na suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P11,152 matapos ang isang buy-bust operation sa Barangay Greater Fairview.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. -Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.