200 pulis na Muslim, magbabantay sa Traslacion 2020

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2020 01:08 AM

Isay Reyes, ABS-CBN News

MAYNILA—Nasa 200 pulis na Muslim ang kabilang sa libo-libong pulis na magbabantay sa Traslacion, ang taunang prusisyon sa imahen ng Itim na Nazareno na nilalahukan ng milyon-milyong deboto.

Galing sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila ang mga pulis at sumailalim sa orientation ng Quezon City Police District (QCPD) Miyerkoles ng gabi.

Pumuwesto na ang mga pulis malapit sa Quiapo Church bilang paghahanda para sa prusisyon.

Ngayong Huwebes ay inaasahang pupuwesto sila sa Villalobos St., Palanca St., at Plaza Miranda.

Una nang sinabi ni Police Brig. Gen. Debold Sinas, acting director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa 1,500 pulis ang isasama mismo sa prusisyon habang 10,000 ang itotoka sa paligid ng ruta.— Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.