Suspek sa pananaksak ng mag-lola sa Bulacan, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2019 07:08 AM | Updated as of Jan 09 2019 09:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

BULACAN - Arestado ang isang lalaki na umano'y sangkot sa pananaksak sa isang mag-lola sa Plaridel, Bulacan.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, director ng Bulacan police, itinuro ng isang impormante ang kinaroroonan ng suspek.

Nakita umano ng impormante na duguan ang suot na pantalon ng suspek at may sugat ito sa braso.

Pinagsasaksak ng suspek sina Sylvia Castillo, 64 anyos, at 13 anyos na apo nito Lunes ng madaling-araw.

Nagpapagaling naman sa pagamutan ang 7 anyos na apo ni Castillo matapos magtamo ng 8 saksak.

Kuwento ng kaanak ng mga biktima, dumaan pa sa burol ang suspek. Nagtanong pa ito kung nakita nila sa CCTV ang suspek.

Inamin naman ng suspek ang kaniyang nagawang kasalanan. Aniya, magnanakaw lamang siya ngunit nanlaban umano ang mga biktima.

Nakatakda rin umanong manganak ang kaniyang misis kaya't naisip niyang magnakaw.

Mahaharap ang suspek sa kasong attempted robbery with double homicide and frustrated homicide. - ulat nina Doland Castro at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.