Miyembro ng Abu Sayyaf Group sumuko sa Sulu

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2019 05:48 PM

Sumuko ang isa umanong miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Indanan, Sulu Martes, ayon sa militar. 

Sumuko ang 53-taong gulang na lalaki matapos sumuko sa 32nd Infantry Battalion noong Disyembre ang dalawa niyang anak na kapwa miyembro rin ng Abu Sayyaf.

Isinuko rin ang isang M79 grenade launcher at ammunition.

Ayon kay Lt. Gen. Arnel Dela Vega, commander ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command, umaasa siyang mas marami pang mga miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa gobyerno.

"We hope to see more returnees reunite with their families and start their new lives away from battlegrounds. Indeed, this is a resonating call for the rest of the Abu Sayyaf bandits to lay down their arms and to consider the lives that were affected," aniya.

Ang Abu Sayyaf Group ay sangkot sa mga insidente ng kidnap for ransom at terorismo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.