PatrolPH

2 umano’y mga gun-for-hire, patay sa engkwentro sa Ilocos Sur

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2019 09:08 PM

CABUGAO, Ilocos Sur—Patay ang dalawang umano'y miyembro ng isang gun-for-hire group matapos makipagbarilan sa mga pulis sa bayang ito Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang dalawa na sina Edward Joseph Abad at Rodrigo Urmin Jr.

Ayon sa pulisya, minanmanan nilang mabuti ang dalawang suspek na sakay sa motor. Napansin naman sila ng mga ito kaya nagkaroon ng engkwentro.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang dalawa.

Nakuha mula sa dalawa ang isang kalibre .38 at isang kalibre .45 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Hindi na rin nagbigay ng pahayag ang pamilya ng mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.