MAYNILA (2ND UPDATE)— Ilang unibersidad at paaralan ang nagkansela ng klase sa Lunes, Enero 10, bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng COVID-19.
Ito ang mga paaralang nagsuspende ng klase:
Enero 10:
- Saint Pedro Poveda College
Mula Enero 10 hanggang 11:
- Xavier School San Juan at Nuvali
Mula Enero 10 hanggang 12:
- De La Salle Zobel
- Philippine Women's University
Mula Enero 10 hanggang 14 :
Mula Enero 10 hanggang 15:
- De La Salle University (lahat ng antas)
- De La Salle - College of Saint Benilde (Benilde Manila, Benilde Antipolo, Benilde Deaf School, at Benilde Senior High School)
- Miriam College (grade school, high school, SDTEC at MC Nuvali)
- Chiang Kai Shek College (lahat ng antas)
- San Beda College - Alabang (IBED K-10 and SHS 11-12, College of Arts and Sciences, and Graduate School)
Mula Enero 10 hanggang 16
- Polytechnic University of the Philippines (lahat ng antas)
Nag-postpone din ng face-to-face classes ang University of the East at mag-aanunsiyo pa ito kung magkakaroon ng academic break ang unibersidad.
Ang San Beda Alabang, magkakaroon ng "health break" para sa piling mga departamento. Nilinaw naman nila na may pasok pa rin sa School of Law at susundin nila ang nakatakdang schedule ng kanilang mga klase.
Ayon naman sa isang liham na pinost ng Student Council ng Philippine Science High School - Main Campus, suspendido naman ang lahat ng synchronous classes sa pamantasan mula Enero 10 hanggang Enero 14.
Samantala, lahat ng klase sa Far Eastern University ay iho-hold online mula Enero 17 hanggang February 12.
Nitong Biyernes, 21,819 ang bilang ng mga bagong nagka-COVID-19 sa Pilipinas.
Nasa 40 porsiyento naman ang positivity rate sa bansa na pinakamataas mula nang magsimula ang pandemya.
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
TV Patrol, TV Patrol Top, Tagalog news, class suspension, COVID-19, Philippines updates