PatrolPH

RECORD HIGH: Pilipinas nakapagtala ng 26,458 COVID-19 cases

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2022 05:09 PM

Sitwasyon sa paligid ng Quiapo Church noong Enero 7. George Calvelo, ABS-CBN News/File 
Sitwasyon sa paligid ng Quiapo Church noong Enero 7. George Calvelo, ABS-CBN News/File 

Nakapagtala ang Department of Health ng 26,458 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Sabado. 

Panibagong record-high ito o pinakamataas na kaso na naiulat sa loob ng isang araw. 

Ayon sa bulletin ng DOH, 6 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos. 

Dahil dito, nasa 2,936,875 na ang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa. 

Nasa 102,017 naman ang bilang ng mga aktibong kaso na pinakamataas mula Oktubre 2021. 

Nasa 265 naman ang namatay na pinakamarami mula Nobyembre 2021. 

Sa ika-4 na araw naman ay nakapagtala ng record high na positivity rate ang Pilipinas na nasa 43.7 porsiyento. 

Nasa 51 porsiyento naman ang ICR bed occupancy rate sa Metro Manila mula sa 25 porsyiento noong nakaraang linggo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.